Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal ng United Nations, nalungkot sa nakita sa Tacloban City

(GMT+08:00) 2013-11-15 10:13:57       CRI

Opisyal ng United Nations, nalungkot sa nakita sa Tacloban City

NAKABABAHALA ANG NAGAGANAP SA TACLOBAN. Ito ang naging pahayag ni Baroness Valerie Amos (gitna), United Nations Undersecretary for Humanitarian Affairs and siya ring Emergency Relief Coordinator matapos dumalaw sa Tacloban City kahapon. Kailangan ang paghahatid ng pagkain at iba pang kailangan ng mga biktima ni "Haiyan" na kilala sa Pilipinas sa pangalang "Yolanda." (Minette Rimando/ILO)

NAKITA ni UN Undersecretary General for Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordinator Baroness Valerie Amos ang malubhang kalagayan ng mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa Tacloban City.

Ito ang kanyang pahayag sa isang press conference kaninang umaga sa International Labor Organization Auditorium. Sinabi niyang sa kanyang pagdalaw kahapon nakita niya ang napakatinding pinsalang idinulot ng storm surge na maihahambing sa isang tsunami. Batid niya ang bilang ng mga nasawi, naulila, nawalan ng mga tahanan at pagkakakitaan.

Nakikiisa siya sa lahat ng mga nagdadalamhati, dagdag pa ng opisyal ng United Nations.

ATENEO DE MANILA, NAKIISA SA RELIEF OPERATIONS. Makikita ang iba't ibang relief goods para sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" na mula sa Ateneo de Manila University. Naimpake ang mga relief goods sa Ateneo de Manila University covered courts. (Dr. Jhumela Sarmiento/Ateneo de Manila University)

MALAKI ang posibilidad na malampasan ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na aabot lamang sa 2,500 ang mga nasawi sapagkat hanggang kaninang umaga ay umabot na sa 2,357 ang nasawi sa nakalipas na hagupit ni "Haiyan" na kilala sa Pilipinas sa pangalang "Yolanda."

Ayon sa sources sa Campo Aguinaldo, hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga bangkay na sa lansangan at mga labing na sa advanced state of decomposition.

Ayon sa NDRRMC, higit sa kalahati ng mga nasawi ay mula sa Leyte at Samar sapagkat umabot sa 1,785 na mga bangkay ang natagpuan sa Leyte at mayroong 372 mula sa Easern Samar at Samar provinces.

Ibinalita rin ng OCHA (Office for the Coordination of Humanitarian Affairs) na tinatayang 11.5 milyon ang apektado ni "Yolanda" at mayroong 544,600 katao ang walang matitirhan. Kailangan ng mga truck at krudo upang maihatid ang mga relief goods. Patuloy na nagagambala at nagpapabagal ang mga dumi sa lansangan at kakulangan ng logistics sa paghahatid ng relief goods sa mga apektadong lugar.

Sinabi ng OCHA na ang pagdadala at pamamahagi ng pagkain, emergency shelter material, hygiene kits, body bags at pagtatalaga ng family-tracing service ang pinakakailangan sa mga susunod na araw. Ang inilunsad na Haiyan Action Plan na nagkakahalaga ng US $ 301 milyon ay mayroon ng 13% pondo na nagkakahalaga ng US $ 38 milyon.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>