|
||||||||
|
||
Araw ng Panaghoy at Pag-asa sa Sabado
DEKLARADO ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle ang araw ng Sabado bilang "Araw ng Panaghoy at Pag-asa" sa buong Arkediyosesis ng Maynila upang ipadama ang pakikiisa sa mga naghihirap, nagluluksa at nawawalan ng pag-asa dahilan sa magkakasunod na kalamidad na tumama sa Pilipinas.
Sa kanyang limham sa mga pari, relihiyoso at mga layko, inanyayahan ni Cardinal Tagle ang lahat na gugulin ang araw ng Sabado sa pagtitika, pagninilay at pag-aayuno.
Mamumuno siya sa isang Prayer Service at Holy Hour sa pagtatapos ng pagluluksa sa ganap na ika-walo ng gabi sa San Fernando de Dilao Parish sa Paco, Maynila, ang pansamantalang opisyal na simbahan ng Arkediyosesis ng Maynila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |