Kaugnay ng tanong ng mga mamamahayag tungkol sa pagpapadala ng Pamahalaang Tsino ng medical team sa mga nabiktimang lugar ng Pilipinas, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Pamahalaang Tsino na magpadala ng ganitong grupo sa Pilipinas.
Sinabi pa ng tagapagsalitang Tsino na sa mula't mula pa'y lubos na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa mga lugar na sinalanta ni bagyong 'Yolanda' sa Pilipinas. Aniya, maraming beses nang ipinahayag ng panig Tsino, na ayon sa kalagayan ng kalamidad at pangangailangan ng panig Pilipino, patuloy itong magkakaloob ng makataong tulong sa mga apektadong lugar ng Pilipinas. Sa pagsasaalang-alang ng aktuwal na pangangailangan ng ganitong mga lugar, nakahanda ang Pamahalaang Tsino na ipadala ang pangkagipitang grupong medikal sa mga nasalantang purok ng Pilipinas, dagdag ni Hong. Ipinahayag din aniya ng mga di-pampamahalaang rescue organ ng Tsina ang kahandaang pumunta sa Pilipinas para makilahok sa disaster relief work doon.
Salin: Li Feng