Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na magkakaloob ang kanyang bansa ng karagdagang 10 milyong yuan RMB o halos 1.64 milyong Dolyares na tulong na materyal sa mga lugar ng Pilipinas na apektado ni super typhoon Yolanda.
Ani Qin, ang naturang mga materyal ay kinabibilangan ng libu-libong tolda at kumot. Sa pamamagitan ng mga ito aniya, nagpapakita ng kabutihang-loob ang mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Pilipino.
Nauna rito, kapwa nagkaloob na ang pamahalaang Tsino at Red Cross Society ng Tsina ng 100 libong Dolyares na cash bilang tulong sa Pilipinas.
Salin: Liu Kai