Sinabi kahapon ni Mar Roxas, Kalihim ng Suliraning Panloob at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas, na kasunod ng pagbuti ng kondisyon ng komunikasyon sa mga apektadong lugar, kasalukuyang pinabibilis ng pamahalaan ang paghahatid ng mga relief supplies sa iba't-ibang grabeng nabiktimang lugar.
Ayon kay Roxas, sa kasalukuyan, sa 40 lunsod at bayan ng probinsyang Leyte, grabeng apektadong lugar, 38 na ang nakakatanggap ng tulong.
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 3,681 ang opisyal na bilang ng mga namatay, habang nasa 1,186 katao pa ang pinaghahanap. Umabot din sa mahigit 9.8 milyon ang bilang ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Li Feng