|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos kamakailan, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang bagyong Yolanda ay nagdulot ng malaking kapinsalaan sa Pilipinas, at bilang tulong, nagpadala ang Pamahalaang Tsino ng emergency medical team na binubuo ng 51 tao; nagpadala rin ang Red Cross ng Tsina ng pandaigdigang rescue team sa mga nasalantang purok ng Pilipinas; nagpadala rin ang panig na militar ng Tsina ng hospital ship ng hukbong pandagat sa mga purok ng Pilipinas na naapektuhan ng Yolanda para tumulong sa mga relief work. Bukod dito, nagkaloob din ang Song Qingling Foundation ng Tsina ng 200 Mobile houses na nagkakahalaga ng mga 3.2 milyong yuan RMB para sa 3 purok na malubhang naapektuhan ng bagyo para tulungan ang mga mamamayan sa naturang purok na magkaroon ng masisilungan.
Ang tulong ng Tsina sa Pilipinas ay dumarami, kasabay nito, dumarami rin ang mga komentaryo mula sa loob at labas ng Tsina. Ipinahayag ng ilang kanluraning media na noong simula pa ipinagkaloob lamang ng Tsina ang 100 libong dolyares na tulong sa Pilipinas at napakaliit ang naturang bilang. Kasabay nito, sa loob ng Tsina, ipinalalagay rin ng ilang mamamayang Tsino na sa ilang suliraning panrehiyon, hindi mapagkaibigan ang Pilipinas sa Tsina, kaya hindi dapat magkaloob ng tulong ang Tsina sa Pilipinas.
Hinggil dito, ipinahayag ni Song Ronghua, Pangkalahatang Kalihim ng China Public Diplomacy Association na mali ang naturang dalawang palagay, at hindi dapat maging pulitikal ang pandaigdigang makataong tulong. Sinabi niyang pure ang makataong tulong at wala itong layuning pulitikal. Ang lahat ng miyembro ng komunidad ng daigdig ay mayroong obligasyon at responsibilidad na magkaloob ng tulong sa mga mamamayan na nakaranas ng kalamidad. Ipinahayag rin niyang bilang isa sa 5 pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, sa mula't mula pa'y, nagsisikap ang Tsina sa larangan ng relief work sa daigdig at rehiyong ito.
Tinukoy ni Song na ang pagtulong ng Tsina sa Pilipinas ay nagpakita ng 2 katangian ng Tsina sa larangan ng pandaigdigang makataong tulong: una, nananangan ang Tsina sa patakaran ng "Put People First", walang layuning pulitikal. Nitong ilang taong nakalipas, mayroong alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Pero, sa harap ng kalamidad, patuloy na nagkakaloob ang Tsina ng malaking tulong sa Pilipinas. Ikalawa, lubos na iginagalang ng Tsina ang bansa na tumatanggap ng tulong. Halimbawa, dapat isagawa ang relief work ng rescue team ng Tsina sa pamumuno ng pamahalaan ng Pilipinas.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |