Pinuna ng pamahalaan ng Israel ang kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na narating ngayong araw. Bukod dito, ipinahayag nito na hindi nito tatanggapin ang kasunduang ito.
Pero hindi ipinahayag ng Israel ang pagsasagawa ng aksyong militar sa Iran.
Ipinahayag ng Israel ang pagsuporta sa paglutas ng isyung ito sa paraang diplomatiko sa halip ng aksyong militar, pero di kayang maigarantiyia ng nasabing kasunduan ang pagpapatupad ng nasabing target.
Ipinalalagay nito na nakuha na ng Iran ang mga bagay na hangad nito sa pamamagitan ng kasunduang ito tulad ng pagpapahupa ng sangsyon at pagpanatili sa mga importanteng bahagi ng programang nuklear nito.