Pagkatapos marating ang kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, ipinangako ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na hindi isasagawa ng Amerika ang bagong sangsyon sa Iran sa loob ng darating na kalahating taon.
Ipinahayag kagabi ni Obama na ang nasabing kasunduan ay napakahalaga para lutasin ang isyung nuklear ng Iran. Ito aniya ay humadlang sa pag-usad ng programang nuklear ng Iran at maantala nito ang ilang importanteng bahagi nito.
Sinabi ni Obama na ayon sa kasunduan, ititigil ng Iran ang mga proyektong nuklear at tatanggapin nito ang malawak na pasusuri ng komunidad ng daigdig.
Bilang tugon sa kasunduang ito, paluluwagin ng Amerika ang sangsyon sa mga larangan liban sa petrolyo at pinansya.
Salin: Ernest