Ipinahayag ngayong araw sa Geneva ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, na ayon sa kasunduan na narating kaninang madaling araw ng Iran at ibang anim na bansang kinabibilangan ng Amerika, Rusya, Britanya, Pransya, Tsina at Alemanya, pansamantalang ititigil nila ang pagpoprodyus ng 20% uranium, pero isasagawa pa rin ng bansa ang ibang mga proyekto ng uranium enrichment.
Pero ipinahayag ng isang opisyal Amerikano na hindi kinilala sa nasabing kasunduan ang karapatan ng Iran sa pagsasagawa ng uranium enrichment.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa ipinalabas ang aktuwal na nilalaman ng nasabing kasunduan. Pero ipinahayag ni Zarif na bilang tugon sa paglimita sa pagsasagawa ng Iran ng uranium enrichment, sinang-ayunan ng naturang anim na bansa na hindi isasagawa ang bagong sangsyon sa Iran at papaluwagin ang mga umiiral na sangsyon sa pagluluwas ng Iran ng krudong langis, industriya ng kemikal, at negosyo sa mga mamahaling metal.
Salin: Ernest