Ipinatalastas kahapon ng United Nations na idaraos ang Ika-2 Pulong hinggil sa isyu ng Syria sa ika-22 ng Enero ng susunod na taon sa Geneva, Switzerland.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong opisyal na dadalo sa talastasan ang mga kinatawan ng kapuwa pamahalaan at oposisyon ng Syria.
Nauna rito, ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pulitikal na paraan ang tanging kalutasan sa isyung nabanggit. Sa Ika-2 pulong sa Geneva,inaasahang paplanuhin ng iba't ibang panig ang susunod na yugto ng prosesong pulitikal upang maisakatuparan ang kapayapaan at katatagan sa Syria sa lalong madaling panahon.
salin:wle