Sa isang pahayag na inilabas kagabi sa Istanbul ng National Coalition of Syrian Revolutionary and Opposition Forces o mas kilala sa tawag na Syrian National Coalition (SNC), organisasyong oposisyon na nasa labas ng Syria, sinabi nitong sinang-ayunan na ng oposisyon ang pagdalo sa pulong na idaraos sa Geneva. Anito pa, mayroon silang ilang paunang kondisyon, kabilang dito ang pagbubukas ng komunidad ng daigdig ng lagusang paghahatid ng makataong tulong, pagpapalaya ng pamahalaan ng Syria ng mga bilanggong pulitikal, pagbababa ni Pangulong Bashar al-Assad sa puwesto, at hindi nito panunungkulan at kanyang mga kaalyado sa anu mang tungkulin sa bagong transisyonal na pamahalaan.
Samantala, isang katugong organo ang nabuo ng SNC para pahigpitin ang pakikipagsasanggunian sa mga kaalyadong oposisyon sa loob ng Syria, para sa kanilang suporta.