Sa isang preskon, ipinatalastas ni Wu Zhijian, Tagapagsalita ng State Administration of Science, Technology and Industry for National Defense (SASTIND) ang napipintong paglulunsad, papunta sa Buwan ng Chang'e-3 lunar probe sa unang dako ng darating na Disyembre. Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-so-soft-land ang isang sasakyang pangkalawakan ng Tsina sa ibabaw ng isang extraterrestrial body.
Tinukoy ni Wu na ang misyon ng Chang'e-3 ay kinabibilangan ng pag-orbit, paglapag sa Buwan at pagbalik sa planetang mundo. Ito aniya ang ikalawang yugto ng lunar program ng Tsina. Ang unang yugto ng programa ay matagumpay na naisinagawa sa pamamagitan ng mga misyon ng Chang'e-1 at Chang'e-2 noong 2007 at 2010, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade