Kaugnay ng lumalakas na demonstrasyong pinamumunuan ng Democrat Party ng Thailand, pinakamalaking partidong oposisyon ng bansa, hiniling kahapon ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra sa ibat-ibang departamento ng pamahalaan na maghanda para tumugon sa anu mang biglaang pangyayari, umurong mula sa mga sinakop na opisina, at suportahan ang mga hakbang para mapanumbalik ang normal na tungkulin sa lalong madaling panahon.
Muling ipinahayag ni Yingluck Shinawatra na hindi gagamitin ng pamahalaan ang dahas laban sa mga demonstrador. Umaasa rin siyang magdidiyalogo ang dalawang panig sa lalong madaling panahon.