|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ni Suthep Thuagsuban, dating mambabatas ng Democratic Party ng Thailand, idinaos kahapon sa Bangkok ang malaking demonstrasyong kontra-pamahalaan.
Ipinahayag niya na upang mapawi ang korupsyon at pagkakawatak-watak ng lipunan, dapat buwagin ang kasalukuyang pamahalaan at parliamento.
Ayon sa pagtaya ng departamentong panseguridad ng Thailand, halos 100 libong tao ang lumahok sa demonstrasyon.
Nang araw ring iyon, nagtipon din ang National United Front of Democracy Against Dictatorship (UDD) bilang pagkatig sa pamahalaan.
Ipinahayag ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra na umaasa siyang malulutas ang kasalukuyang political deadlock sa pamamagitan ng diyalogo sa pagitan ng iba't ibang paksyon.
Ipinangako rin niya na pamahalaan ng kanyang administrasyon ang bansa batay sa batas.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |