Pagkaraang dumalo sa Prime Ministers' Summit ng Tsina at mga bansa ng Sentral at Silangang Europa sa Romania, dumating kahapon sa Tashkent, Uzbekistan si Premyer Li Keqiang ng Tsina para dumalo naman sa ika-12 Pulong ng mga Punong Ministro ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa naturang pulong, ilalahad ng Premyer Tsino ang paninindigan ng Tsina sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng SCO sa ibat-ibang larangan. Magpapalitan din ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa pagpapahigpit ng konstruksyon ng SCO, at pagpapasulong ng katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
Ayon sa ulat, makikipag-usap din si Premyer Li sa Pangulo at Punong Ministro ng Uzbekistan, at pati sa mga kalahok na lider ng ibang bansa.