Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Tashkent kay Pangulong Abduganiyevich Karimov ng Uzbekistan, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na mabunga ang katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Uzbekistan noong Setyembre at napasulong nito ang kanilang bilateral na relasyon.
Sinabi ni Li na ang Tsina at Uzbekistan ay matalik na magkaibigan, at ang pagtitiwalaang pampulitika ay nagsisilbing pundasyon para sa pagpapasulong ng kanilang pagtutulungang may pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan at walang paunang kondisyon. Aniya, ang Tsina at Uzbekistan ay may mainam na kooperasyon sa larangan ng enerhiya. Ibayo pang pasusulungin ng dalawang panig ang kanilang pagtutulungan sa naturang larangan at pati sa iba pang larangan, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng bentahe ng pagkokomplemento.
Ipinahayag din ni Li na bilang mabisang mekanismo ng pangangalaga sa seguridad at pagpapasulong ng kaunlaran ng rehiyon, umaasa siyang makapagsisikap, kasama ng mga kalahok na lider sa kasalukuyang pulong ng SCO, para mapalalim ang kanilang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Sinabi naman ni Karimov na may matatag na pundasyon at malawak na hinaharap ang estratehikong partnership ng Tsina at Uzbekistan. Aniya, palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyong paggagalangan, pagkapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan, at positibo ang kanyang bansa sa mga ito. Nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para mapataas ang kanilang pagtutulungan sa bagong antas at mabigyang-ginhawa ang kanilang mga mamamayan, dagdag pa niya.