Patuloy pa rin ngayong araw sa Bangkok ang demonstrasyong kontra sa pamahalaan. Kaugnay nito, ipinangako ni Surapong Tovichakchaikul, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, na mapayapang lulutasin ng pamahalaan ang kasalukuyang krisis at panunumbalikin ang normal na takbo ng bansa.
Ayon sa utos ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra, si Surapong ay namamahala sa mga gawaing pangangalaga sa katatagan at katiwasayan ng bansa.
Sinabi ni Surapong na ang kasalukuyang demonstrasyong kontra sa pamahalaan ay nakapinsala sa pambansang kabuhayan at imahe sa daigdig. Dagdag pa niya, iginagalang ng pamahalaan ang kapangyarihan ng mga mamamayan sa pagpapakita ng sariling hangarin, pero hindi ito dapat makaapekto sa normal na takbo ng bansa.
Salin: Ernest