Ipinahayag ngayong araw ni Jatuporn Promphan, isa sa mga puno ng People's Alliance for Democracy (PAD) o Red Shirts, na nasawi ang 4 na miyembro nito sa pakikipagsagupaan sa isa pang grupong kontra sa pamahalaan. Kasabay nito, ipinatalastas niya na pansamantalang ititigil ang demonstrasyon ng Red Shirts para mapigilan ang pagkaganap ng mas maraming marahas na insidente.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ng panig pulisya na isa lang ang nasawi sa panig ng Red Shirts. Bukod ito, itinalaga ang mahigit 20 libong pulis at 3000 kawal sa paligid ng palasyo ng Punong Ministro, mga paliparan at TV station para maigarantiya ang kaayusan ng demonstrasyon laban sa pamahalaan.
Bilang tugon sa kasalukuyang kalagayan ng Thailand, ipinalabas ng Embahadang Tsino ang alerto para paalalahanan ang mga Tsino sa Thailand na mag-ingat.
Salin: Ernest