|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand na kung lalala ang situwasyon, sasang-ayon siyang lansagin ang parliamento para malutas ang kasalukuyang krisis pampulitika.
Ayon sa ulat, ibayo pang lumalala ang kalagayan sa Bangkok. Ilang gusali ng pamahalaang kinabibilangan ng tanggapan ng Punong Ministro ang tinangkang kubkubin ng mga demonstrador. Napigil naman ito ng pulisya sa pamamagitan ng tear gas, subalit ikinasugat naman ito ng ilang demonstrador.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |