Ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na agarang itigil ang mga pananalita at aksyong lumilikha ng hidwaan at nakakapinsala sa katatagang panrehiyon, at gumawa ng karapat-dapat na pagsisikap para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ayon sa ulat, ipinahayag noong Biyernes ni Onodera Itsunori, Ministro ng Tanggulang Pambansa ng Hapon, na hindi kinikilala ng kanyang bansa ang paglalagay ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng Tsina sa Diaoyu Islands.
Tungkol dito, inulit ng tagapagsalitang Tsino na ang layon ng paglalagay ng Pamahalaang Tsino ng ADIZ sa East China Sea ay ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryong panlupa at panghimpapawid ng bansa, at pangalagaan ang kaayusan ng paglipad sa himapapwid. Hindi ito nakatuon sa anumang bansa at target, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng