Sa kanyang pakikipagtagpo kay Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Estados Unidos (E.U.), ipinahayag kahapon sa Islamabad ni Punong Ministro Nawaz Sharif ng Pakistan ang malubhang pagkadiskontento sa air assault ng Unmanned Aerial Vehicle (UAV) ng Amerika sa kanyang bansa.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Pakistan, binigyan-diin ni Sharif na ang nasabing air assault ay taliwas sa inaasahang pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo. Inulit pa niyang ang estratehikong partnership ng Pakistan at Amerika ay may mahalagang katuturan sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Andrea