Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang estratehiyang panseguridad at mga may kinalamang patakaran ng Hapon. Nanawagan siya sa Hapon na pahalagahan ang pagkabalisa ng mga kapitbansa nito sa Asya sa kaligtasan at tumahak sa landas ng kapayapaan at kaunlaran.
Ayon sa ulat, pinagtibay ng pulong ng mga dalubhasa na itinatag ni Punong Ministro Shinzo Abe ang "National Security Strategy" at "National Defense Program Guidelines." Ayon sa mga ito, dapat mahinahon at matatag na harapin ng Hapon ang di-umano lumalawak na aksyong pandagat at panghimpapawid ng Tsina at palakasin ang lakas militar sa Timog kanlurang Hapon bilang tugon sa isyu ng Diaoyu Islands.
Salin: Andrea