Sa isang talumpati sa Waseda University, Tokyo, ipinahayag kahapon ni Itsunori Onodera, Ministro ng Tanggulang-Bansa ng Hapon ang kahandaan ng kanyang bansa na pagsamahin at palakasin ang kakayahan ng self-defense forces para sa mobilisasyon at pakikipaglaban sa lupa, dagat, at himpapawid.
Idinagdag pa niya na binabalak ng Pamahalaang Hapones na bumili ng mga bagong kagamitang gaya ng F-35 fighter jets at Osprey planes para pahigpitin ang pagmamanman sa rehiyong Pasipiko.
Pinaplano rin aniya ng Hapon na aprubahan ang bagong National Defense Program Outline (NDPO) at medium-term defense strategy guidelines sa ika-17 ng buwang ito.
Bilang tugon, sinabi kamakalawa ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong-higpit na sinusubaybayan ng Tsina ang mga bagong estratehiyang pandepensa at panseguridad ng Hapon. Hinimok din ng tagapagsalitang Tsino ang Hapon na tumpak na pakitunguhan ang pagkabalisa ng mga kapitbansang Asyano at tumahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Salin: Jade