Ipinahayag kahapon ni Pongtep Thepkanchana, Pangalawang Punong Ministro ng caretaker cabinet ng Thailand, na sang-ayon ang pamahalaan sa mga mungkahi ng mga dalubhasa hinggil sa reporma sa pulitika.
Bukod dito, ipinahayag niyang kahit anumang partido ang magtagumpay sa halalan ng mababang kapulungan na nakatakdang idaos sa Pebrero ng taong 2014, dapat pasulungin nito ang proseso ng reporma sa pulitika sa Thailand.
Nang araw ring iyon, idinaos sa Bangkok ang porum hinggil sa reporma sa pulitika na itinaguyod ni Caretaker Punong Ministro Yingluck Shinawatra. Lumahok sa porum na ito ang mga opisyal, dalubhasa at miyembro ng United Front of Democracy Against Dictatorship (Red Shirts) para talakayin kung papaano malulutas ang kasalukuyang deadlock na pampulitika. Hindi naman lumahok sa porum na ito ang mga taga-oposisyon.
Salin: Ernest