Isang espesiyal na pulong ang idinaos kahapon ng Democrat Party(DP), pinakamalaking partido oposisyon ng Thailand para ihalal ang bagong lupong tagapagpaganap at tagapangulo nito. Tinatalakay naman ng DP ngayong araw kung lalahok sila sa halalang pambansa na idaraos sa ika-2 ng Pebrero. Ito ay isinusulong ng caretaker government ng Thailand.
Ayon sa ulat ng "Global Times," isang pahayagang Tsino, isiniwalat ng isang mataas na myembro ng DP na dahil sa pagkakaiba-iba ng palagay palagay sa loob ng partido, maaring magawa ang desisyon kung lalahok sa pambansang halalan o hindi sa ika-23 ng buwang ito.
Ang democratic party ang bumubuo ng sangkatlo ng mga luklukan sa Mababang Kapulungan ng Thailand.
salin:wle