Nanawagan kahapon si Yingluck Shinawatra, Caretaker Punong Ministro ng Thailand sa mga demonstrador na dapat isakatuparan ang kanilang karapatan sa loob ng balangkas ng batas, at tapat na ipahayag ang kanilang kahilingan sa pamahalaan.
Ipinahayag ito ni Shinawatra bilang tugon sa sinabi ni Suthep Thaugsuban, lider ng mga demonstrador. Kamakalawa, ipinatalastas ni Thaugsuban na magtutungo ang mga babaeng demonstrador sa bahay ni Shinawatra sa ika-22 ng buwang ito para hilingin ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin bilang caretaker PM.
salin:wle