Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina na pinapasalamatan ng Palestina ang suporta ng Tsina sa pagsisikap ng mga Palestino para sa lehitimong karapatan at interes. Nagsisikap aniya ang Palestina para maisakatuparan ang naturang target sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Umaasa rin si Abbas na magkakaroon ng suporta mula sa Tsina hinggil sa talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel.
Ipinahayag naman ni Wang na positibo ang Tsina sa pagsisikap ng Palestina para sa pagtatatag ng nagsasariling bansa. Sinabi ni Wang na kasalukuyang nasa masusing yugto ang talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at inaasahang ipagpapatuloy ng Palestina ang talastasan para makuha ang suporta mula sa komunidad ng daigdig.