|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng UN ang World Economic Situation and Prospects 2014 (WESP). Ayon sa ulat na ito, tinatayang aabot sa 3% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2014, at tataas naman ng 3.3% ang paglaki nito sa 2015. Kumpara sa paglaki sa taong ito, na umabot lamang sa 2.1%, magiging mas mabuti ang kabuhayang pandaigdig sa susunod na dalawang taon.
Ipinalabas kahapon ng United Nations Department of Economic and Social Affairs o UNDESA ang unang bahagi ng pinakahuling taunang ulat-World Economic Situation and Prospects 2014 (WESP). Ito ay tungkol sa prospek ng kabuhayang pandaigdig.
Isinalaysay ni Shamshad Akhtar, Asistenteng Pangkalahatang Kalihim ng UNDESA, na ang pangunahing dahilan ng mahinang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito, ay nasa resesyon pa rin ang mga maunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang Unyong Europeo at Amerika. Aniya pa, bumubuti na ngayon ang situwasyon at mas magiging optimistiko ang kabuhayang pandaigdig sa susunod na dalawang taon.
Ayon sa pagtaya ng mga ekonomista ng UN, posibleng lumitaw ang pagkakaiba sa kabuhayan ng mga bagong ekonomya na kinabibilangan ng Brazil, Tsina, Indya at Rusya. Matatag aniya ang paglaki ng kabuhayang Tsino, ngunit, dahil sa pagbaba ng pangangailangang panlabas at pag-urong ng mga pondong dayuhan, posibleng maging mahirap ang kabuhayan ng ilang bansa. Sinabi ni Dr. Hong Pingfan ng UN, na:
"May pag-asang manatili sa mga 7.5% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa susunod na ilang taon. Ang paglaki ng kabuhayan ng mga bansang Timog Asyano ngayon ay pinakamabagal sa loob ng 20 taong nakaraan. Manunumbalik sa 5% ang paglaki ng kabuhayan ng Indya sa 2014."
Ani Hong, ang paglaki ng kabuhayan ng Silangang Asya ay pinakamabilis kumpara sa iba pang rehiyon, mananatiling mabilis din ang paglaki ng kabuhayan ng Aprika at may pag-asang aabot ito sa 5%. Binigyan-diin niyang ang nasabing pagtaya ay maaayon sa pagpapabuti ng kabuhayang pandaigdig at kakayahan sa pangangasiwa ng mga pamahalaan sa ibat-ibang lokalidad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |