Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Plaktuwasyon ng bagong pamilihan, hindi hadlang sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2013-11-06 17:11:46       CRI

Kamakailan, dahil sa epekto ng pandaigdigang kapaligirang pangkabuhayan, naganap ang plaktuwasyon sa kabuhayan ng ilang umuunlad na bansa. Pero, napapanatili ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng pamilihan ng Tsina at ASEAN sa loob ng framework ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA.

Sa Chinese Export Commodities Fair (CECF), ipinahayag ng mga kalahok na bahay-kalakal mula sa Malaysia na lipos sila ng kompiyansa sa paggagalugad ng pamilihan ng Tsina. Sinabi rin ng kinauukulang opisyal ng Malaysia na para sa mga bahay-kalakal ng Malaysia, nitong nagdaang ilang taon, malaki ang paglaki ng kalakalan ng Tsina at Malaysia; pero, sa hinaharap, ang Tsina ay nananatiling isang napakalawak na pamilihan.

Ayon sa estadistika, noong unang 3 kuwarter ng taong ito, ang ASEAN ay nanantiling isa sa mga pinakamasiglang katuwang ng Tsina sa kalakalang panlabas. Hanggang noong katapusan ng Setyembre ng taong ito, ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa 322.36 bilyong dolyares na lumaki ng 11.6%.

Ang pasilitasyon ng kalakalan ay pundasyon ng mabuting pag-unlad ng Tsina at ASEAN. Sapul nang opisyal at komprehensibong simulan ang CAFTA noong unang araw ng Enero ng 2010, bumababa na ang gastos sa kalakalan ng dalawang panig, kaya walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Team Builder, isang kompanya ng Pilipinas, na nakikinabang ang kanyang bahay-kalakal sa Zero-Policy ng CAFTA. Salamat sa patakarang ito, bumaba nang malaki ang gastos ng kalakalan nito sa Tsina, at sustenableng napapanatili ang katatagan ng pamilihang ito.

Bukod dito, ang mainam na bilateral na pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay matibay na paggarantiya para sa dalawang panig sa harap ng epekto ng pandaigdigang kapaligirang pangkabuhayan. Nauna rito, sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyon ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng ASEAN, ipinahayag ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na kinakatigan ng Tsina ang ASEAN na gumanap ng namumunong papel sa kooperasyon sa silangang Asiya at integrasyon, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang bansang ASEAN, para mapabuti ang estratehikong pagtitiwalaan at mapalalim ang komprehensibog kooperasyon para makapaghatid ng benepisyo para sa mga mamamayan ng rehiyong ito.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>