Inamin kahapon ng panig militar ng South Sudan na hindi pa nababawi ng tropa ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pagkontrol sa Bentiu, kapital ng estadong Unity, at nakahanda ang tropang ito na maglunsad ng pananalakay para mabawi ang naturang lunsod. Sa kasalukuyan, ang Bentiu ay nasa kamay pa rin ng sandatahang puwersa na kontra sa pamahalaan, na pinamumunuan ni Riek Machar, dating Pangalawang Pangulo ng bansa.
Sinabi kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na kasalukuyang nakikipagsanggunian ang UN sa iba't-ibang may kinalamang panig para dagdagan ang mga sundalo ng espesyal na grupo ng UN sa South Sudan. Dagdag pa niya, igagarantiya niya ang pagkakaroon ng grupong ito ng kakayahan para mapangalagaan ang mga sibilyan.
Inulit din ni Ban na dapat lutasin ng dalawang panig ng South Sudan ang krisis sa paraang pulitikal, at hindi katanggap-tanggap ang pagpapatuloy ng karahasan sa pagitan ng mga tribu.
Salin: Li Feng