Iminungkahi kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa UN Security Council (UNSC) na magpadala ng karagdagang tropang pamayapa sa Timog Sudan.
Sa isang preskon sa New York, punong himpilan ng UN, ipinahayag ni Ban na dahil sa lumalalang situwasyon sa Timog Sudan, libu-libong mamamayang lokal ang nawalan ng kanilang tahanan. Bukod dito, mahigit 45,000 sibilyan ang humingi ng proteksyon mula sa UN Mission in South Sudan (UNMISS). Dagdag pa niya, upang maigarantiya ang pangangalaga ng UNMISS sa mga sibilyan, ihaharap niya ang mungkahi sa UNSC na magpadala ng karagdagang tropang pamayapa sa Timog Sudan.
Salin: Jade