Nanawagan kahapon si Pangulong Barack Obama ng Amerika sa dalawang nagsasagupaang panig ng Timog Sudan na lutasin ang hidwaan sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.
Sa pahayag na ipinalabas ng White House, ipinahayag ni Obama na dapat buong sikap na pasulungin ng iba't ibang may kinalamang panig ang pagdaraos ng diyalogo ng dalawang nagsasagupaang panig ng Timog Sudan.Bukod dito, hiniling ni Obama sa pamahalaan ng Timog Sudan na pangalagaan ang kaligtasan ng mga Amerikano sa bansang ito.
Nauna rito, kinumpirma ng panig militar ng Amerika na inatake ang isang eroplano ng tropang Amerikano sa lunsod ng Bol, lalawigang Jonglei ng Timog Sudan. Ayon pa sa panig-miltar ng Amerika, napilitan ding itigil ng tropang Amerikano ang paglilikas ng mga sibilyang Amerikano mula sa bansang ito.
Mula noong ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito, nagsagupaan ang mga kawal sa bansang ito na magkahiwalay na sumusuporta kay Pangulong Salva Kiir Mayardit at Pangalawang Pangulong Riek Marchar. Pagkaraan nito, patuloy pang lumala ang kalagayan ng bansang ito.
Bukod sa pag-aalis ng mga sibilyang Amerikano mula sa Timog Sudan, ipinadala ng pamahalaang Amerikano ang espesyal na sugo para isagawa ang medyasyon sa bansang ito.
Salin: Ernest