Sa kanyang pakikipagtagpo kay Yukio Hatoyama, dating Punong Ministro ng Hapon, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino o CPPCC, na umaasa siyang tumpak na pakikitunguhan ng Hapon ang pag-unlad ng Tsina.
Sinabi ni Yu na ang pagpapaunlad ng pangmatagalan, malusog at matatag na relasyong Sino-Hapones ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Ito rin aniya ay makakabuti sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Asya at daigdig. Umaasa siyang tumpak na pakikitunguhan ng Hapon ang pag-unlad ng Tsina, isagawa ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina, angkop na lutasin ang mga problema, at pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa batay sa aktuwal na aksyon.
Ipinahayag naman ni Yukio Hatoyama na kinakaharap sa kasalukuyan ng relasyong Sino-Hapones ang pinakamalubhang kalagayan. Aniya, dapat malaman ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang kasaysayan at katotohanan, at lutasin ang mga problema sa paraan ng diyalogo.
Salin: Andrea