Sinabi kahapon ng Department of Special Investigation (DSI) ng Ministri ng Katarungan ng Care-taker Cabinet ng Thailand, na hiniling nito sa Thailand Criminal Court na hulihin si Suthep Thuagsuban, Lider ng demonstrasyong kontra-gobyerno at 37 tagasunod nito, nang walang piyansa.
Anang DSI, pinaghihinalaan si Suthep Thuagsuban at ang kanyang mga tagasunod na sangkot sa krimen ng pagbabanta, pagsira sa mekanismo ng kapangyarihan ng bansa, pag-uupat sa mga mamamayan ng paglabag sa batas, paglikha ng kaguluhan, at iba pa. Nauna rito, inilabas na ng Criminal Court ang dalawang arrest warrant kay Suthep Thuagsuban.
Ayon naman kay Suthep Thuagsuban, kung hindi magbibitiw sa tungkulin si Yingluck Shinawatra, Care-taker Punong Ministro, hindi puwedeng lumahok ang mga mamamayang Thai sa pagboto sa susunod na halalan ng Mababang Kapulungan, at sarado ang buong lunsod ng Bangkok sa araw ng halalan.
Salin: Andrea