Ipinahayag kahapon ni Pongthep Thepkanchana, Pangalawang Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand, na batay sa Konstitusyon ng bansa, hindi puwedeng ipagpaliban ang halalan na nakatakdang idaos sa ika-2 ng Pebrero, 2014.
Umasa siyang igagalang ng iba't ibang panig ang saligang batas at patuloy na pasusulungin ang paghahanda para sa halalan.
Isang pulis ang namatay at 96 katao ang nasugatan sa isang alitan kahapon sa labas ng Bangkok Stadium kung saan ang mga kinatawan ng 30 partidong pulitikal ay nagbunutan para sa numerong elektoral. Sa dahilang ito, humingi ang Lupong Elektoral ng Thailand na ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon.
Salin: Jade