Ipinahayag kahapon ni Winthai Suvaree, Pangalawang Tagapagsalita ng Hukbong Panlupa ng Thailand, na lubos na ikinababahala ng panig militar ang sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at panig pulisya na naganap nang araw ring iyon sa Thai-Japanese Stadium sa Bangkok. Nanawagan siya sa iba't-ibang panig na magtimpi, dahil ang marahas na sagupaan aniya ay nakakasira sa pangkalahatang imahe ng bansa.
Ayon sa mga impormasyon, gumamit ng mga sandata sa nasabing sagupaan. Nanawagan si Prayuth Chan-ocha, Commander-in-chief ng Hukong Panlupa ng Thailand, sa awtoridad na agarang isagawa ang imbestigasyon tungkol dito para alamin ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Hiniling niyang hangga't di nalilinaw ang katotohanan, huwag gumawa ang iba't-ibang may kinalamang departamento ng konklusyon hinggil dito. Dahil ito aniya ay posibleng makakapagpasidhi sa pagkapoot at sagupaan ng dalawang panig.
Ayon pa sa pinakahuling impormasyon, 48 demonstrador at 3 pulis ang nasugatan sa nasabing marahas na sagupaan sa Thai-Japanese Stadium.
Salin: Li Feng