Iminungkahi kahapon ni Caretaker Prime Minister Yingluck Shinawatra ng Thailand na bumuo ng Lupon sa Reporma bago magtapos ang taong ito kasabay ng paghahanda para sa halalan sa susunod na taon.
Sa kanyang talumpati sa telebisyon, iminungkahi ni Shinawatra na bumuo ng isang 499-miyembrong lupon para balangkasin ang mga plano ng reporma ng bansa sa mga larangan ng pulitika, kabuhayan at lipunan. Aniya pa, makaraang magsaoperasyon ang bagong Gabinete at bagong Parliamento pagkatapos ng halalan sa taong 2014, ipapatupad din ang nasabing mga plano ng reporma.
Salin: Jade