Ipinalabas kahapon ang pahayag kahapon ng Instituto ng Malaysiya sa Pananaliksik ng Kasaysayan ng World War II na mahigpit na bumabatikos sa pagbibigay-galang ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan idinadambana ang mga World War II class-A criminals. Sabi nilang ito ay malaking paghamak sa mga biktima ng digmaan.
Anang pahayag, pagkaraaang muling umakyat sa kapangyarihan si Abe, walang humpay na pinapalakas niya ang armas ng hukbong Hapones sa pamamagitan ng pagsusog ng konstitusyon na nagtatangkang palawakin ang puwersang militar ng Hapon sa iba't ibang sulok ng daigdig at ang aksyong ito ay kapareho sa militarismo na isinagawa ng Hapon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.