|
||||||||
|
||
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Nagpatawag kahapon ng hapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ng Embahador ng Hapon sa Tsina na si Masato Kitera bilang matinding protesta at kondemnasyon sa pagbibigay-galang kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine. Nakadambana sa Yasukuni ang mga class-A criminal noong World War II (WWII).
Ipinahayag ni Ministro Wang na ang Yasukuni ay naging simbolo ng militarismo ng Hapon, at sa ilalim ng militarismong ito, inilunsad ng Hapon ang pananalakay sa mga bansang Asyano na kinabibilangan ng Tsina. Binigyang-diin ng ministrong Tsino na ang isyu ng Yasukuni ay nagpapakita kung tumpak na pakikitunguhan at malalimang pagsisisihan ng Hapon ang kasaysayang mapanalakay nito.
Tinukoy rin ni Ministro Wang na ang pagbisita ni Abe sa Yasukuni ay labag sa mga prinsipyo ng apat na dokumentong pulitikal na nilagdaan ng Tsina at Hapon. Labag din ito aniya sa mga pangako sa isyung ito ng dating mga pamahalaan at lider ng Hapon. Idinagdag niyang kung patuloy na hahamunin ng Hapon ang bottom line ng relasyong Sino-Hapones, hindi titigil sa pakikibaka rito ang Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |