Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng komunidad ng daigdig, nagbigay-galang pa rin kaninang umaga si Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga World War II class-A criminal, at matinding kinondena ng Tsina ang Hapon kaugnay ng aksiyong ito.
Ayon sa ulat ng Japanese media, sapul nang magbigay-galang si Junichiro Koizumi, dating PM ng Hapon sa Yasukuni Shrine noong 2006, si Abe ay isa pang Punong Ministro ng Hapon na nagbigay-galang dito sa kanyang termino bilang PM. Ayon sa pag-aanalisa ng Japanese media na Hapones, ang aksyong ito ni Abe ay naglalayong tugunin ang kahilingan ng conservatives sa loob ng bansa. Dahil sa pagbibigay-galang ni Abe, walang takdang panahong ipinagpaliban ang pag-uusap ng mga lider ng Hapon, Tsina, at Timog Korea.
salin:wle