Ipinahayag kahapon ni Ong Hong Peng, Pangkalahatang Kalihim ng Awtoridad ng Turismo at Kultura ng Malaysia na tinatayang aabot sa 76 bilyong Ringgit ang tourism revenue ng bansa mula sa mga turistang dayuhan. 28 milyong turista mula sa ibang bansa ang darating sa Malaysia, na kinabibilangang ng 2 milyong turistang Tsino, dagdag niya.
Ipinahayag din niya na sa bagong taon, buong lakas na magsisikap ang Malaysia para mabigyan ng lubos na seguridad ang mga turistang dayuhan. Aniya pa, marami na ring mga bagong travel routes para sa mga turista.