Ipinahayag kamakalawa ni Mustafa Mohamed, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na napakahalaga ng pamumuhunan mula sa Tsina para sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanyang bansa. Kailangan aniyang akitin ng Malaysia ang mas maraming pamumuhunan mula sa Tsina.
Sa kanyang pagdalo sa Ika-3 "Pulong ng mga Mangangalakal ng Malaysia at Tsina" na idinaos sa Putrajaya, administratibong kapital ng Malaysia, ipinahayag ni Mohamed na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Malaysia. Aniya, sa susunod na taon sasalubungin ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Malaysia at Tsina, at kasalukuyang aktibong naghahanda ang kanyang pamahalaan hinggil sa mga kinauukulang selebrasyon, para ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng kabuhayan at kalakalan. Umaasa aniya siyang sasamanlatahin ng mga mangangalakal ng dalawang bansa ang pagkakataon para mapalalim ang kanilang kooperasyon.
Salin: Li Feng