"Ibayo pang madaragdagan ang transnasyonal na operasyon ng salaping Tsino na RMB sa pagitan ng Tsina at Malaysia." Ito ang ipinahayag kahapon ni Zhou Xiaochuan, Presidente ng Bangko Sentral ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng sangay ng Bangko Sentral ng Malaysia(BNM) sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga may kinalamang dalubhasa, na ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpapalalim ng kooperasyong pinansyal at pangkalakalan ng Tsina at Malaysia, kundi pangangalagaan din nito ang katatagang pinansyal ng rehiyon.
Ang naturang sangay ay ang ikatlong tanggpan ng BNM sa ibayong dagat kasunod ng London at New York.