Nanawagan kahapon si Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, sa panig Hapones na pabutihin ang relasyon sa mga karatig-bansa.
Ayon sa pahayag ng Pentagon, nag-usap kahapon sa telepono sina Chuck Hagel at Itsunori Onodera, Kalihim ng Tanggulan ng Hapon. Binigyang-diin ni Hagel sa pag-uusap ang kahalagahan ng pagpapabuti ng relasyon ng Hapon sa mga karatig-bansa para sa pagpapasulong ng katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asyano.
Bukod dito, tinalakay nila ang plano ng pagsasakatuparan ng isang serye ng kooperasyong pandepansa ng dalawang panig na gaya ng pagdedeploy ng mga radar sa Hapon ng tropang Amerikano.