Nanawagan kamakalawa si Pangulong Thein Sein ng Myanmar sa lahat ng mga grupong etniko ng bansa na magkakasamang magpunyagi para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansa.
Ipinahayag ni Thein Sein ang kanyang hangarin sa kanyang mensahe bilang pagdiriwang sa ika-66 na anibersaryo ng pagsasarili ng Myanmar.
Binasa ni Bise Presidente Sai Mauk Kham ang mensahe ni Thein Sein sa isang seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat kamakalawa, sa Nay Pyi Taw.
Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng pambansang kasarinlan, isang kautusan ang ibinaba ni Thein Sein upang magbigay ng amnestiya at magbawas ng mga pulitikal na bilanggo. Batay rito, sinimulan nang palayain ang mahigit 7,000 bilanggo ng Myanmar mula noong ika-3 ng buwang ito.
Salin: Jade