Nitong ilang araw na nakalipas, binabatikos ng iba't ibang sektor ng lipunan ng Myanmar ang pagbibigay-galang kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine.
Ipinahayag ng Tampadipa Research Center ng Myanmar na ang nasabing aktibidad ni Abe ay naglalayong pabulaanan ang mapanalakay na kasaysayan ng Hapon.
Ipinahayag naman ng National League of Democracy (NLD) na dapat mag-ingat ang komunidad ng daigdig sa kaisipan ng digmaan na iginigiit ng ibang lider ng ibang bansa. Aniya, ipinakikita ng ganitong kaisipan sa pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine.