Ipinahayag kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, na hindi isasagawa ng panig militar ang kudeta dahil nilagom nila ang mga karanasan mula sa magulong kalagayan noon.
Naniniwala aniya siyang susundin ng pambansang hukbo ang kautusan ni Haring Bhumibol para pangalagaan ang pangmatalagang kapakanan ng bansa.
Bukod dito, ipinahayag niya na bilang tugon sa demonstrasyong kontra sa pamahalaan na itinakdang isagawa sa ika-13 ng buwang ito sa Bangkok, ipinahayag ni Shinawatra na mahigpit na susundin ng pamahalaan at mga organong panseguridad sa mga batas at tadhana para pigilang maganap ang sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at mga demonstrador.
Samantala, umaasa si Gen. Prayuth Chan-ocha, Commander-in-Chief ng Thai Royal Army, na hindi matatakot ang mga mamamayan sa pambansang kalagayan sa hinaharap. Wala siyang nabanggit hinggil sa posibilidad ng kudeta sa hinaharap.
Kaugnay ng nasabing gaganaping demonstrasyon, ipinahayag niya na kung magaganap ang marahas na sagupaan habang nagrarally, dapat managot ang pamahalaan sa ganoong insidente. Pero ipinalalagay niya na hindi dapat isagawa ang pangkagipitang batas sa kasalukuyan.
Salin: Ernest