Ipinahayag kagabi ni Akihiro Ohata, Direktor Heneral ng Democratic Party ng Hapon na hindi dapat nagbigay-galang si Punong Ministrong Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga class-A criminals ng Hapon noong World War II.
Sinabi niyang bilang Punong Ministrong Hapones, dapat mag-ingat at isaalang-alang ni Abe ang kapinsalaan sa panloob na pulitika at relasyong panlabas na dulot ng kanyang pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine. Aniya, sa kabila ng paulit-ulit na pagpapahayag na inaasahang mapapanumbalik ang pakikipag-usap sa Tsina at Timog Korea, naisara ng aktibidad ni Abe ang pinto tungo sa pag-uusap.