|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng mga komite sa suliraning panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang naturang aksyon ng Punong Ministrong Hapones. Ito anila ay grabeng probokasyon sa kapayapaan ng daigdig at konsiyensiya ng sangkatauhan.
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpahayag ng pagkabahala si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa nasabing aksyon ni Abe. Binigyang-diin niyang dapat igalang ng Hapon ang damdamin ng ibang bansa, lalung-lalu na ng mga nabiktimang bansa ng World War II.
Dahil sa nabanggit na pangyayari, kinansela ng Amerika ang pag-uusap sa telepono ng mga ministrong pandepensa nila ng Hapon na nakatakdang isagawa kahapon. Nagpalabas din ng pahayag ang Embahada ng Amerika sa Hapon na nagsasabing ang aksyon ni Abe ay magpapalala sa maigting na relasyon ng Hapon sa mga kapitbansa nito, at ikinalulungkot ito ng pamahalaang Amerikano.
Pinuna rin ng media ng Hapon at ibang bansa ang pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine.
Tinukoy ng Asahi Shimbun at Mainichi Shimbun ng Hapon na mali ang aksyong ito ni Abe. Anila, grabe itong makakapinsala sa diplomasya ng Hapon, at magdudulot din ng negatibong epekto sa atityud ng mga Hapones sa digmaan.
Sinabi naman ng Washington Post at Wall Street Journal ng Amerika na ang aksyo ni Abe ay nagpapakita ng paggigiit ng Hapon sa militarismo. Ito rin anila ay posibleng makaapekto sa relasyon ng Amerika at Hapon.
Ipinahayag naman ng World News ng Pilipinas na ang naturang aksyon ng lider na Hapones ay nagsisilbing hamon sa katarungan at kapayapaan ng daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |