Tinalakay kahapon sa Moscow ni Mikhail Bogdanov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, at ng kanyang counterpart na Amerikano na si Wendy Sherman, ang hinggil sa gawain ng paghahanda para sa Ika-2 Pandaigdigang Pulong hinggil sa Isyu ng Syria na idaraos sa ika-22 ng buwang ito sa Geneva.
Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Rusya, sinang-ayunan ng dalawang panig ang paggarantiya sa pagdaraos ng pulong na ito at ang paglutas ng isyung ito sa paraang pulitikal. Nanawagan din sila sa pamahalaan at mga oposisyon ng Syria na isagawa ang pambansang diyalogo sa lalong madaling panahon at ang kinabukasan ng bansang ito ay dapat pagpasyahan ng mga mamamayan nito.
Binigyang-diin ng Rusya na sa kasalukuya, dapat magtulungan ang iba't ibang panig ng Syria para mabigyang-dagok ang grupong teroristiko sa bansang ito.